I’ve spent 11 wonderful years living in Sta. Ana, Manila.Dun ako natuto maglaro ng piko, 10-20, jackstone, magbike, magroller skates, at madami pang iba. Naalala ko nakikinuod lang ako kina Mang Ricky ng nintendo lalung lalo na pag naglalaro si Isan ng Super Mario. Hangang hanga ako pag nakaka 100 lives sila! Kasi dati brick game lang ako meron saka maliliit na arcade games na minsan pinaparentahan pag me fiesta, nalimutan ko na kung ano ang tawag dun. Basta gustung gusto ko yun laruin lagi, kahit mapagalitan pa ako ng mama ko. Si papa kasi nasa Saudi Arabia nung mga panahon na yun kaya inde ko sya madalas makalaro.
Kahapon, nakakatuwa at salamat sa Facebook dahil nagkita kami ulet ng kababata ko na si Mary Jane Felipe. Grabe dami naming namiss sa isa’t isa kasi panahon pa ng kopong kopong nung huli kaming magkita! Ngaun pareho na kaming me asawa at mga anak! Kaloka yun usapan namin, hahaha!
Mary Jane: parang tumangkad ka ata!
Joyce: akala mo lang yun…5’3″ lang kaya ako! hahahaha
Sa halos 2 oras naming pag uusap, madami kaming napagkwentuhan. Naupdate din ako dun sa iba pa naming kababata gaya nila Mic Mic na pinsan nia na best friend ko na nasa Saudi na ngaun, si Diwanie na meron ng 6 na anak at madadagdagan pa daw sa September (ang dami no!), si Isan me anak na din, at saka sa iba pa naming kalaro nung araw.
Grabe, parang kelan lang nagtataguan pa kami pag gabi tas pag sumitsit na yun mga nanay namin (pareho kasing YOLLY ang pangalan ng mga nanay namin) karipas na kami ng takbo sa loob ng bahay. Pag hapon at walang pasok, magbabike kami, karerahan mula kanto hanggang Callejon 5! Kung minsan naman tumbang preso at luksong tinik ang laro namin, malayung maloyo sa mga cyber games na nilalaro ng mga anak ko. Parang kelan lang maliliit pa kami, pero ngaun kami na ang reyna ng tahanan! Ang sarap balikan ang nakaraan, nakakatuwa na lumipas man ang madaming taon, pagtatagpuin pa din kami para magkwentuhan kahit pa sa facebook lang yan