Apr 14

im back to philippines and there’s nothing like being home!

dumating ako sa bahay around 7am, nakita na nga ako agad ni mama kaya tuwang tuwa sya na nakarating na ako sa bahay. konting kwentuhan then i called mommy deng agad to inform na andito na ako sa pinas. after a while nag breakfast na ako ng fave ko na palabok pagkatpos umidlip ng konti dahil kina boss nick naman ako maglalunch! past 12nn na ng makarating kami sa apartment nila nepo, ang sarap ng lunch na niluto ni boss nick - sinigang na lechon na baboy! the best!!!! ang dami ko ngang nakain, hehe!!!

halos maghapon na kami dun sa kanila, nagkwentuhan tapos inayos un booking then namili ng konti sa palengke, nagpabeauty sa f salon and umuwi na sa bahay…nakakapagod din ang maghapon gawa ng sobrang init…but di ko na ininda un dahil happy naman ako na makasama ulit ang family ko…

before i forget, i wanna say thanks to my pongsky for fixing my blog. ang ganda na nya ngaun plus the fact na me sarili na akong domain, hehe! cheap kasi ako ayaw kong bumili :P love u long time for being the best partner in crime :D