ang aga kong nagising, wala namang pasok sa office
di na rin naman ako makatulog ulit kahit feeling ko puyat na puyat ako. last night, it was really uncomfortable for me as i have to pee every now and then. sobrang inconvenient kasi halos every 5mins nasa banyo ako. there’s this instance na kakatayo ko lang uupo na naman ako para mag wiwi
ang hirap grabe! pero ok lang yun kahit ganun…basta healthy si aiken masaya na ako! para sa kanya naman yun sacrifices kahit na minsan nagiging emotional ako sa maraming bagay.
and since maaga nga akong nagising, nagsound trip na lang ako. kung anu ano lang naman ang pinapatugtog ko. basta kung anong kanta ang maganda na nakasave sa file un ang pakikinggan ko. pang -relieve ng stress. lately, namimiss ko si pong kasi sobrang busy nya sa office, pero kahapon naman naiinis ako sa kanya. ewan ko kung bakit basta naaasar ako sa kanya. ayaw ko na lalapitan nya ako or hahawakan. para akong kinukuryente pagmalapit sya sa kin
sa inis ko nga ayaw ko syang kausapin…minsan kasi naiisip ko unfair sya! he still does his old school stuff and here i am looking like a whale, unable to manage things! insensitive di ba! gusto nia siya lang lagi ang mapapansin
sobrang nakakawalang gana!


