Archive for January 13th, 2009
Cut The Fat!
January 13th, 2009 Posted 2:26 pm
simula ng manganak ako kay aiken, i find it difficult to lose weight. samantalang dun sa 2 nauna, in 3 months bongga na ulet ang figure ko. and because of this, i decided to go back to the gym. mahirap na no, baka mamaya atakihin na lang ako sa puso dahil sa unhealthy life ko, kawawa naman ang family ko di ba? kaya naman kagabi sumama ako kay nico at big boy sa pagpunta sa gym, sana na lang maglast ang hangarin ko na pumayat ng konti at ng maging productive naman ang 2009 ko! simpleng gym lang yun pinuntahan namin pero andun na lahat ng klase ng gym equipments na kakailangan ko para sa pag eehersisyo. iba’t ibang klase din ng tao ang nakita ko dun. merong naka hi-heels habang nagsa-cycling, kontodo naka make-up pa at office clothes. meron ding naka tsinelas habang natakbo sa threadmill at meron din namang iba na sa shake-your-booty na lang nagtatagal (yun ang tawag dun sa machine na nagsheshake, buong katawan mo magsheshake talaga, kaya kung malaki ang boobs mo, PANALO!).
napansin ko na humina ang resistensya ko sa pagtakbo kasi 30 mins lang ang itinagal ko sa machine. siguro dahil sa wala akong exercise kaya naman nanibago ang katawan ko. so what i did is spend time running for 30 mins., cycled for 10 mins, crunches for 100x and some more ab exercises for 10 mins. i really hope na wag naman sanang sumakit ang buo kong katawan ng magtuluy tuloy ako sa activity ko na ito. sa sabado sasama ao kay eileen para sa circuit training – good yun para sa heart kaya naman excited na din ako. bawal daw ang maggive up kaya naman goodluck!!! 56kilos ako ngayon sana after one month 50 na lang
woot woot!
Posted in Daily Dose



























