oh merienda ng buhay ko!

inde ako pumasok sa office ngaun kasi masama ang pakiramdam ni aaron. habang nagpapagaling si kuya, i took this chance na makapaglinis ng bahay, as in general cleaning! nilinis ko yung room ng mga kids na ubod ng dumi, ewan ba sa mga bata na yun, kahit anong sabi ko na maglinis balewala, kahit pa mabungangaan ko sila at mapalo! ang hirap pa naman pag neat-freak ka, konting kalat lang naiirita agad, tsk tsk. matapos ang madugong 2 oras na pagliligpit ng toys and mga damit nila, ref naman at iba pang parte ng bahay ang inasikaso ko buti na lang at andyan si manang lucre na laging on-the-go sa pagtulong.

habang naglilinis ako kanina, napag isip ko na kung full-time mom siguro ako inde ganito ang mangyayari. mababantayan ko sila ng husto and i will be able to infuse cleanliness sa mga katawan nila whether they like it or not. kaya lang inde naman pede na inde ako magwork at sa laki ng gastusin namin, inde keri ang patulog tulog sa bahay, kaya habang fit pa ako, gagawin ko ang lahat para makaipon (naks, ulirang ina awardee ang tunog).

at ngayon na tapos na ako sa mga household chores ko pati sa pagmuni muni, heto at kumokorok na yun tyan ko, sabi nia gutom na daw sya! kaya lang tinatamad naman akong kumain, para bang namimili pa eh gutom na nga. hay, parang gusto ko ng tacos, un sa zelcors, masarap dun tapos mura pa, dito kasi kakaiba ang lasa ng tacos, andaming beans kaya nakakaumay kainin. tapos gusto ko din ng fishballs, un naka-kariton tapos sawsaw sa sukang maanghang sabay inom ng coke na malamig, ayos lang kahit nasa plastic na! ohhh sarap! gusto ko din ng titong, dun sa may malapit sa cavite high. isang bes pa lang ako nakakain dun nung kasama ko si pong kaya naman gusto ko ulit ulitin ;) meron pa akong gusto, yun pancit puso, puto at yung pritong lumpia sa kanto namin. yun P100 ko sobra sobrang pang merienda ko na yun sa pinas, samantalang dito around $5 yun magagastos mo para makakain ka ng solve talaga.

nakakamis yun pagkain sa tin sa pinas. pero di bale malapit na kaming umuwi, by april andun na kami kaya konting tiis na lang makakain ko din ang mga gusto ko. shet ginutom tuloy ako lalo sa pagsusulat, me natira pa kaming nilagang baka kaya yun na lang ang lalantakan ko then yayain ko na lang si pong magmicha mamaya para mas masaya :D

ooops nakalimutan ko, si aaron din pala naglalaway sa mappy pizza saka dunkin donuts :P

Related posts:

  1. Headshot na!!!
  2. ang tamad tamad
  3. sound tripping lang po!
  4. adios sa aking bagong bf!
  5. bakasyon mode

Submit a Comment