Ang Magulang Baw!

Bilang magulang, responsibilidad natin na ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng ating mga anak. Kasama na dyan ang edukasyon, bahay, damit, pagkain, pagkalinga at pagmamahal. Minsan may mga pagkakataon na parang gusto mo ng sumuko dahil parang hinde mo na kayang solusyunan ang mga problema pero hinde mo magawa dahil may mga anak kang nakadepende sayo. Sa paningin nila isa kang superhero, na kayang gawin ang lahat! Ang hindi nila alam, tao ka lang din na nanghihina kapag may pagsubok na dumarating. Ngayong isa na akong magulang, napagtanto ko na tama pala ang mga sinabi ng nanay ko nung ako’y bata pa. Sabi nia, “darating ang panahon na ulo mo naman ang sasakit pag me mga anak ka na!” Tama nga si mama, masakit nga sa ulo magpalaki ng mga anak,...