Once Upon A TYPE…

the art of pointless thinking.

Ang Magulang Baw!

Bilang magulang, responsibilidad natin na ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng ating mga anak. Kasama na dyan ang edukasyon, bahay, damit, pagkain, pagkalinga at pagmamahal. Minsan may mga pagkakataon na parang gusto mo ng sumuko dahil parang hinde mo na kayang solusyunan ang mga problema pero hinde mo magawa dahil may mga anak kang nakadepende sayo. Sa paningin nila isa kang superhero, na kayang gawin ang lahat! Ang hindi nila alam, tao ka lang din na nanghihina kapag may pagsubok na dumarating.

Ngayong isa na akong magulang, napagtanto ko na tama pala ang mga sinabi ng nanay ko nung ako’y bata pa. Sabi nia, “darating ang panahon na ulo mo naman ang sasakit pag me mga anak ka na!” Tama nga si mama, masakit nga sa ulo magpalaki ng mga anak, pero hinde naman dapat gawin iyon na problema. Mas mainam kung magagawan ng paraan para maging maganda ang pagsasama at masaya ang buhay.

Para sa kin kayamanan ang aking mga anak, anghel sila na hulog ng langit kahit ubod sila ng kulit. Kahit na minsan ako’y galit, ang pagmamahal ko ay hindi nababawasan bagkus nadadagdagan pa. Kaibigan nila akong maituturing lalo na sa panahon ng pangangailangan. Kung may mga bagay man na hindi pa nila maunawaan sa ngayon, alam kong darating ang panahon na kami’y magkakaintindihan. At ang lahat ng ito’y aking sentimyento bila isang ina na walang hangad kundi ang mapabuti sila. Ang magulang, baw!

Related posts:

  1. adios sa aking bagong bf!
  2. Dahil isa akong tamad…ayun ngcramming ako, tsk tsk!
  3. blooming saturday, tsk tsk!
  4. family day out in cambodia
  5. ang tagapamagitan!

This entry was posted on Friday, April 2nd, 2010 at 4:12 pm and is filed under Daily Dose. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “Ang Magulang Baw!”

  1. Penis Enlargement
    7:28 am on November 14th, 2010

    I’ve meant to write about something like this on my website and you gave me an idea. Thank you.

  2. rent to own
    6:53 am on November 21st, 2010

    Thanks a lot for blogging this, it was very informative and helped immensely

Leave a Reply





XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>