Filipino Teachers Shining Like Stars in Cambodia

Who would have thought that someone like me would ever be quoted in one of the most prestigious newspapers in the Philippines? A couple of months ago, Mylene’s aunt conducted an email interview for her article about Filipino teachers working in Cambodia and I was lucky enough to be included in her list. You can read it in Inquirer or just by clicking this link.

Now that the article’s printed out and was read by millions all over the country and the world, I realized quite a few things, here they are:

1. Filipinos are naturally talented and skillful. Wherever we may be – in or out of Philippines, we can be a star and shine brightly in our chosen career. Kaya naman gustung gusto tayo ng mga employers dahil alam nila na kaya nating gawin ang trabaho kapag ibinigay sa tin.

2. We give our best in what we do. Dugo’t pawis and puhunan natin para sa magandang buhay kaya naman madaming Pinoy ang maganda ang buhay. Salat man tayo sa trabaho sa Pinas, we see to it that we’ll have better lives somewhere in the globe and in the end, we always give back to our country by sending remittances to our family and relatives. Aminin na natin na malaki ang porsyento na kinikita ng gobyerno mula sa perang padala natin mula abroad kaya naman malaki din ang paghanga nila satin at pagpupunyagi na galingan pa ang ating mga trabaho.

3. We knows to endure and sacrifice for better living. Minsan kahit mahirap na ang trabaho at critical na ang sitwasyon, we still do our work according to the standards we are expected to give. Masakit malayo sa pamilya pero para sa ikabubuti ng buhay ng ating mga minamahal, kakayanin nating lumayo. Tunay na malaking sakripisyo para sa bawat mangagawa sa ibang bansa ang makitang lumalaki ang mga anak ng malayo sa piling ng kanilang mga minamahal sa buhay pero we keep moving and striving for them kasi sila ang “trophy” natin sa buhay.

There are ups and downs working abroad. Sa ibang tao mayaman kang maituturing pag galing ka sa abroad, ang inde nila alam, matinding hirap din at lungkot ang inaabot ng mga katulad ko. Ang iba taksil pa ang tawag sa min dahil mas pinili pa daw namin na pagsilbihan ang ibang lahi kaysa ang mga kapwa natin Pilipino. Ang sagot ko naman:

Inde ako impokrito para sabihing walang mali sa gobyerno natin, pero inde din ako magmamagaling para sabihin sa kanila ang dapat nilang gawin. There are things way beyond my control and there’s only one thing I can do to make my life worth living – it’s to strive for everything. I believe that we are genius in so many ways and we think differently, may mga tamad na gustong umasenso agad at mayroon namang hardworking pero inde mabigyan ng opportunity para gumanda ang buhay. I’ll say I’m blessed. Utang ko sa Panginoon ang ano mang tinatamasa ko at nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko, dahil sa kanila ang buhay ay nagiging masaya at maganda. Sana ganun din sa ibang tao.

Mabuhay tayong mga Pilipino, sana maging inspirasyon tayo sa iba at wag tayong mawalan ng pag asa sa buhay. Darating din ang time na makakaraos tayo sa hirap.

Thank Ms. LetiĀ  Boniol of Inquirer for this once in a lifetime opportunity.

  1 comment for “Filipino Teachers Shining Like Stars in Cambodia

  1. boss nick
    May 3, 2011 at 12:00 am

    emloyers…..
    porsyente …….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *