Tag-Archive for ◊ mall of asia ◊

31 Jul 2009 Bakasyon Recap

Sobrang busy nitong naging bakasyon namin, un 1st week simula nung dumating kami ay naging preparation namin para sa birthday party ni Aiken. Then yun 2nd week naman busy na sa pag aayos ng mga papeles. Anyway, heto ang recap ;)

short hair & red nails

I had my hair cut (again) :P I always have problem fixing my hair these days so I decided to make it short. In that way I do not need to spend much time to think kung anong ayos ang gagawin ko aside from the usual pony tail or bun everyday. Nestle, Nico & I took the opportunity as well na makapagpamani & pedi sa F Salon. Iba kasi ang nail cleaning sa Cambodia, inde nila ginagamitan ng pusher, cuticle lang ang inaalis kaya un yellowness nung kuko inde natatanggal.

meat balls, fish balls, atbp.

Pag sumapit na ang hapon, lagi kaming naalis para mag food trip. Madalas nasa tapat kami ng Mercury sa me palengke para kumain ng calamares, squidballs, fishballs at kikiam. Nung minsan andun naman kami malapit kina Nhiay sa me Caballeros para kumain ng inihaw na bulaklak at titong. At ang the best sa lahat, palabok tuwing umaga! Awww sinusulat ko pa lang nagugutom na ako. Grabe nakakamiss kumain sa pinas!

kyle aiken

We celebrated Aiken’s birthday twice. First, sa Asao last July 23 where Grace & Almir came. Busy kasi sila sa 25 kaya we made sure na kahit wala sila e makita nila si Aiken. Then yun grand pool party was on the 25th sa Amy’s Resort. Ang daming tao, yun iba 1st time namin makilala pero isa lang masasabi ko – nag enjoy lahat ng dumating! Thank you sa mga ninong, ninang, family & friends who made Aiken happy this day. Salamat sa mga fabuloso ninyong regalo :)

shopping at MOA

Nagshopping din kami, sa palengke, sa SM Bacoor at sa SM Mall of Asia. Ganyan talaga marami kaming pera, hahahaha! Joke lang! Yun mga items na wala sa Cambodia dito na namin binili, like havaianas, team manila shirts at kung anu ano pa na makita.

Harbour Square

dinner at Gerry's Grill

Nagshoot din kami sa Harbour Square with Nepo, Nico & Jeff. Thank you sa D40x ni Beth na dala ni Jeff or else inde ako makakapagpicture picture kahit nakikigulo lang naman ako sa kanila.  After ng shoot we headed back to MOA to meet Nepo’s college friends. Had dinner at Gerry’s Grill then nag unwind sa likod where there are live bands playing.

Bitin yun 2 weeks. Ngaun pabalik na kami sa Cambodia. November na kami makakabalik para sa maiksi ulet na bakasyon and sunduin na din si Aiken at the same time. Magbabakasyon kasi sya ng 4 months dito sa pinas kasama ang kanyang mga lolo at lola. Alam ko inde enough yun time to spend pero at least we had fun and nagkasama sama ulet ang buong family :)